Dalawang Most Wanted Person, naaresto ng PNP Maritime Group sa Davao City at Camarines Sur

0
132

Naaresto ang dalawang Most Wanted Person sa magkahiwalay na operasyon ng PNP Maritime Group sa Davao City at Camarines Sur noong Marso 10, 2026.

Naaresto ng Davao del Sur Maritime Police Station, bilang lead unit katuwang ang Police Station 17 Baliok ng Davao City Police Office ang isang indibidwal na matagal nang pinaghahanap ng batas sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Bago Oshiro, Davao City.

Naaresto ang suspek na si alyas “Vid”, sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay sa kasong Robbery in an Inhabited House na may inirekomendang piyansang Php48,000.00.

Samantala, matagumpay ding naipatupad ang isang Warrant of Arrest sa pangunguna ng Camarines Sur Maritime Police Station katuwang ang Calabanga Maritime Law Enforcement Team at Tinambac Municipal Police Station sa Brgy. Tinangis, Pili, Camarines Sur noong Marso 10, 2026.

Naaresto ang suspek na si alyas “Orl” sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape of a Minor na walang inirekomendang piyansa.

Ang mga operasyong ito ay sumusuporta sa PNP Focused Agenda on Law Enforcement Operations, partikular sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply