Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay 8 Poblacion, Pambujan, Northern Samar nito lamang Oktubre 26, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Obet”, 45 anyos, magsasaka, residente ng Barangay 8 Poblacion, Pambujan, Northern Samar na miyembro ng FC-1, SRC EMPORIUM at alyas “Rod”, 38 anyos, construction worker na taga Barangay Ynaguinayan, Pambujan, Northern Samar at miyembro ng FC-2, SRC EMPORIUM.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang 122nd Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, 19 Infantry Battalion, Philippine Army at 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Northern Samar PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at tactical interview ng kanilang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy na nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mamamayan na makiisa at makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan at magbagong buhay kasama ang kanilang pamilya at patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian