Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Halapitan, San Fernando, Bukidnon nito lamang Pebrero 20, 2025.
Ayon kay Police Major Alain Gamana Jamero, Company Commander ng 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10, naging matagumpay ang pagsuko sa tulong ng 13th Special Action Company, San Fernando Municipal Police Station, 2nd Bukidnon PMFC, Buk PIU, RSOU 10, 88IB ng Philippine Army, NICA 10, at R-PSB cadres.
Ayon kay PMaj Jamero, kasabay ng pagsuko ay ang pag-turn-over din ng .357 caliber revolvers na walang serial numbers kasama ang walong bala.
Ang mga aktibong miyembro ng mga komunistang grupo ay patuloy na hinikayat ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.