Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Calachuci, Catarman, Northern Samar nito lamang Disyembre 03, 2024.
Kinilala ni Police Major Norman S Kiat-Ong Jr., Acting Force Commander ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Nena”, 31 anyos, residente ng Barangay Nag Uma, Calbayog City Samar at alyas “Arlyn”, 30 anyos na taga Barangay Bayho, Lope de Vega, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng Lope De Vega Municipal Police Station at 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 1st Northern Samar PMFC para sa facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o Local Social Integration Program.
Hinihikayat ng Northern Samar PNP ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno tungo sa pagkamit ng isang payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian