Arestado ang dalawang lalaking tulak ng droga sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 4 sa Barangay San Antonio, Molo, Iloilo City, bandang 5:00 ng hapon nito lamang ika-6 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Ryan Christ Inot, Officer-in-Charge ng Iloilo City Police Station 4, ang mga suspek na sina alyas Vicente, 49 anyos, isang construction worker at residente ng Barangay San Antonio, Molo, Iloilo City at si alyas “Mark”, 39 anyos, na isa ring construction worker at residente ng Barangay Sooc, Arevalo, Iloilo City.
Ayon kay PCpt Inot, nasamsam mula sa mga suspek ang humigit kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php204,000.
Kabilang sa mga nakumpiska ang isang plastic sachet ng shabu bilang buy-bust item, 15 pang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nakuha sa pag-iingat ng mga suspek, Php3,000 na buy-bust money, at iba’t ibang non-drug items.
Muling pinatunayan ng Philippine National Police ang kanilang dedikasyon sa paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng epektibong operasyon at paggamit ng makabagong pamamaraan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: RPIO PRO6
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores