Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa Purok 1, Barangay Gumamela, Labo, Camarines Norte nito lamang Enero 23, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Augusto Manila, Hepe ng Labo Municipal Police Station, ang mga suspek na si alyas “John”, 41, residente ng Purok 4, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte at si alyas “Rod”, 40, at residente ng Purok 1, Barangay Camambugan, Labo, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol Manila, bandang 2:55 ng madaling araw ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Labo MPS Camarines Norte PPO, Camarines Norte Police Provincial Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Camarines Norte 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3.2 na gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na Php23,000.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP Bikol sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Andre Dizon, Acting Regional Director ng PRO5 ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga upang maging drug free ang rehiyon sa presensya ng ipinagbabawal na droga na sumisira ng buhay ng mamamayang Pilipino.
Source: Labo MPS CNPPO