Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa isinagawang Checkpoint Operation ng mga awtoridad ng Ganassi Municipal Police Station sa Barangay Pamalian, Ganassi, Lanao del Sur noong ika-12 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Chervil L Ferenal, Hepe ng Ganassi MPS ang mga suspek na si alyas “Popoy” 33-anyos na residente ng Brgy. Pamalian, Ganassi, LDS at si alyas “Lando” 21-anyos na residente ng Brgy. Liangan, Madalum, LDS.
Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng Checkpoint operation ang mga tauhan ng Ganassi MPS nang mapansin nila ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo habang mabilis ito sa pagpapatakbo. Agad naman itong sinita ng mga awtoridad at sumailalim sa body search na nagresulta na pagkaaresto ng nasabing mga suspek matapos makuha sa kanila ang isang caliber 45 na baril na walang kaukulang dokumento, pitong bala at isang magazine.
Dahil dito, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act “kapag napatunayang nagkasala ang mga ito.
Patuloy ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kanilang pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad para makamit ang isang maayos at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui