Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Las PiƱas City Police Station at nakumpiska ang ilegal na droga at baril nito lamang Biyernes, Oktubre 11, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga naarestong suspek na sina alyas Luigi (18) at alyas Jomar (41).
Sa isinagawang operasyon, naganap dakong 1:00 ng madaling araw sa Barangay Manuyo Dos ang mga dalawang suspek at nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang 52.98 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nasa Php360,264, isang Colt Defender .45 caliber pistol, na kargado ng dalawang bala.
Mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o āComprehensive Dangerous Drugs Actā at RA 10591 o āComprehensive Firearms and Ammunition Regulation Actā ang mga suspek.
āAng pagsasagawa ng āOplan Galugadā ay napakahalaga sa ating misyon na pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng ating mga komunidad. Nagbigay-daan ito sa amin na maagap na tugunan at alisin ang mga banta ng ilegal na droga at baril, na tinitiyak ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mga residente”, saad ni PBGen Yang.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos