Tiklo ang dalawang indibidwal sa ikinasang search warrant operation ng mga awtoridad sa Purok Lining, Barangay Punong Grande, Banga, South Cotabato nito lamang ika-2 ng Agosto 2024.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Jan”, 35 anyos, binata, walang trabaho residente ng Banga, South Cotabato at si alyas “Jeny”, 25 anyos, na residente naman ng Koronadal City, South Cotabato.
Nakuha mula sa dalawang suspek ang 15 pakete ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga na Php102,000 at iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawang suspek.
Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng malaking suporta sa bagong programa ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kampanya kontra droga sa bansa, na itinuturing na pangunahing hakbang sa pagtataguyod ng isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Emelou Pedroso