Arestado ang dalawang indibidwal sa pagtutulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Santiago PNP sa Purok Saranay, Barangay Batal, Santiago City nito lamang ika-17 ng Marso 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Peping”, 41-anyos, magsasaka at si alyas “Ben”, 44-anyos, caretaker na pawang mga residente ng Barangay Divisoria, Santiago City.
Naging matagumpay ang operasyon, bunga ng pinagsamang pwersa ng SDEU Station 1, SCPO Intelligence Unit, PDEA Quirino at Station 4 ng Santiago City Police Office.


Nakumpiska sa naturang operasyon ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang tunay na Php500 bill, isang Php1,000 na boodle money, at dalawang (2) cellphone maging ang motorsiklo na ginamit sa pakikipag-transaksyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy naman ang Santiago City Police Office sa pagsasagawa ng ganitong operasyon bilang kampanya kontra ilegal na droga para sa hinahangad na kaayusan tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source Santiago PNP
Panulat ni PSSg Jeff John Nabasa