Arestado ng mga operatiba ng Taguig City Police Station ang dalawang suspek sa isang matagumpay na operasyon na humantong sa pagkakakumpiska ng mga iligal na droga, isang baril, mga bala, at isang motorsiklo sa Barangay San Miguel sa Taguig nito lamang Sabado, Enero 25, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Joey T Goforth, Chief of Police ng Taguig CPS, ang mga suspek na sina alyas “Joel,” 36 anyos, delivery worker, at alyas “Christian,” 31 taong gulang.
Nadakip ng pulisya ang mga suspek dakong 5:20 ng hapon malapit sa Serenity Cemetery ng nasabing barangay makaraang mamataan ang mga suspek ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) na sakay ng Honda PCX 160 na motorsiklo sa kahabaan ng MLQ Street sa Barangay Wawa.
Nabatid na si alyas “Christian” na may dalang baril na nakasukbit sa kanyang beywang, dahilan upang tumakas.
Narekober ng mga otoridad ang mga dalawang heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, humigit-kumulang 9.1 gramo ang bigat; isang caliber .357 revolver na walang serial number, kasama ang tatlong bala; isang Honda PCX 160 na motorsiklo.
Reklamo para sa mga paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, Republic Act 7166 o “Omnibus Election Code” ang isasampa sa mga suspek.
Binigyang-diin ng Southern Police District na binibigyang-diin ng operasyon ang pangako ng pulisya sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng halalan.
Source; SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos