Arestado ang dalawang armadong suspek ng mga tauhan ng Las Pinas City Police Station dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 nito lamang Lunes Setyembre 2, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Sandro Jay DC Tafalla, Chief of Police ng Las Piñas CPS, ang mga nadakip na suspek na sina alyas “Nelson”, 23 anyos, at alyas “Intsik”, 30 anyos.
Nakumpiska kay alyas “Nel” ang isang .38 caliber revolver na kargado ng apat na bala, habang nakuha kay alyas “Intsik” ang isang improvised pen gun na kargado ng .556 caliber live round.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang pinaigting na pagpapatrolya ng Las Piñas PNP ang naging susi upang agarang madakip ang mga suspek. Ito ay isang pinalakas na operasyon ng PNP upang mapangalagaan ang ating mga kababayan sa komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos