Arestado ang dalawang indibidwal sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o “Illegal Gambling” sa kahabaan ng Salazar St., Sitio Ipil-Ipil, Barangay Pulung Maragui, Angeles City nito lamang Martes, ika-16 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Colonel Amado A Mendoza Jr, Chief of Police ng Angeles City Police Station 3, ang mga suspek na sina alyas “Kenneth” at alyas “Rommel” na pawang mga residente ng Barangay Pulung Maragui, Angeles City.
Ayon kay PCol Mendoza Jr, bandang 12:15 ng hating gabi ng nasabing petsa, nang magsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang mga operatiba ng Angeles City Police Station 3 sa naturang lugar na nagresulta sa pagkaaresto sa dalawang suspek at pakakumpiska ng bet money na nagkakahalaga ng Php1,240 pesos.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o “Illegal Gambling” kapag napatunayang nagkasala ang mga ito.
Ang tagumpay ng pambansang pulisya laban sa anumang krimen ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng mamamayan para mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad.
Panulat ni Pat Janice Bulahao