Friday, February 21, 2025

Dalawang hindi lisensyadong baril, nakumpiska ng Talisay City PNP

Nakumpiska ng mga awtoridad ang dalawang hindi lisensyadong baril mula sa dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Tangke, Talisay City, Cebu noong madaling-araw ng Pebrero 17, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Epream G. Paguyod, hepe ng Talisay City Police Station, ang mga suspek na sina Edgean, 33 taong gulang, residente ng Sitio Tunga, at Regie, 36 taong gulang, residente ng Purok Kugita, parehong mula sa Barangay Tangke, Talisay City, Cebu.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Talisay City Police Station laban sa lahat ng uri ng ilegal na aktibidad nang maaktuhan ang dalawang suspek na may bitbit na hindi lisensyadong baril.

Unang naaresto si Edgean bandang 2:50 ng umaga sa Sitio Tunga, kung saan nakuha sa kanya ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at dalawang bala. Kasunod nito, bandang 3:30 ng umaga, naaresto naman si Regie sa Purok Kugita matapos mahulihan ng isa pang .38 caliber revolver na walang serial number at tatlong bala.

Ang dalawang suspek ay agad na inaresto, at dinala sa nasabing tanggapan habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, at sa COMELEC Gun Ban na kasalukuyang ipinatutupad.

Patuloy na pinaaalalahanan ng Talisay City Police Station ang publiko na iwasan ang paggamit ng ilegal na armas at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!

Source: Talisay CPS SR

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles