Inihagis ang dalawang granada na yumanig sa detachment ng 4th Maneuver Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Galakit, Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang Bagong Taon, ika-1 ng Enero 2025.
Ayon kay Police Captain Razul Pandulo, Hepe ng Pagalungan Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang hindi pa kilalang mga suspek na may kagagawan ng insidente.
Ang unang granada ay sumabog malapit sa isang nakaparadang Toyota Innova, na nagdulot ng malakas na pagsabog at bahagyang pinsala sa nasabing sasakyan.
Samantala, ang pangalawang granada ay hindi sumabog, ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente sa lugar.
Sa kabutihang palad, walang naiulat na sugatan sa insidente.
Pinalakas ng Pagalungan PNP ang seguridad upang maiwasan ang posibleng pag-ulit ng ganitong karahasan at hinimok ni PCpt Pandulo, ang publiko na agad mag-ulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad o impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon.
Ang insidente ay nagbigay-diin sa patuloy na hamon sa seguridad sa rehiyon, kasabay ng pangako ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya