Indanan, Sulu – Narekober ng Indanan Municipal Police Station ang dalawang dynamite explosive sa Brgy. Bato Bato, Indanan, Sulu noong ika-11 ng Setyembre, 2022.
Ayon kay Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan MPS, isang mangingisda ang nagturn-over ng dalawang dynamite explosive na pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na pangingisda.
Dagdag pa, matapos maipalam sa Indanan PNP ay agad nila itong tinungo sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Percival Limpasan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Indanan MPS ang mga narekober na pampasabog at ituturn-over din sa Sulu Explosive Ordnance Disposal para sa kaukulang disposisyon.
Ang PNP ay nagpapaalala sa publiko na kapag may mga kahina-hinalang bagay sa kapaligiran ay agad itong itawag sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz