Bogo City, Cebu (February 21, 2022) – Tiklo ang dalawang (2) babae sa isinagawang Minor Combat/Clearing Operation (OPORD 05-2022 “LUMAD”) ng Regional Mobile Force Battalion 7, Intel Operative at 701st Maneuver Company sa Brgy. Lapaz, Bogo City, Cebu, bandang 9:00 ng umaga ng Pebrero 21,2022.
Kasama ng RMFB 7 ang Bogo City Police Station, at San Remigio Police Station sa ikinasang operasyon na pinangunahan ni PCpt Gerald Casalme at pinamunuan ni PLtCol Ronan Claravall, Force Commander.
Kinilala ang mga suspek na sina Ma. Lourdes Catadman, 40 taong gulang at residente ng Brgy. Lapaz, Bogo City, Cebu, at si Junelyn Ababa, 41 taong gulang na residente naman ng Purok Kulo, Brgy. Looc sa nasabing lungsod.
Si Catadman ay matatandaang unang nasangkot sa kasong Estafa na ngayo’y nahaharap sa kasong two counts of Estafa. Si Ababa naman ay pangatlong beses ng nasangkot sa parehong kaso at ngayo’y nahaharap din sa kasong three counts of Estafa.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng MTCC Bogo City, Cebu na may Criminal Case no. 9436-9437 at case no. 10448-10450 na nilagdaan ni Hon. Dante P Manreal, Presiding Judge na may piyansang nagkakahalaga ng Php 30, 000.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 701st Maneuver Company para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang panloloko at pang-aabuso ng tiwala sa kapwa mo tao ay “grounds” sa kasong Estafa. Samantala, patuloy na nagsasagawa ang Pambansang Pulisya ng mahigpit na kampanya laban sa ganitong uri ng krimen upang magkaroon ng payapa at maunlad na pamumuhay ang bawat isa.
###
Panulat ni Patrolwoman Darice Anne Regis