Thursday, May 22, 2025

Dalawang akyat-bahay, tiklo ng Las Piñas PNP; baril, nakumpiska

Tiklo ng Las Piñas City Police Station ang dalawang lalaking akyat-bahay sa isang subdivision sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City nito lamang Sabado, Agosto 31, 2024.

Kinilala ni Police Colonel  Sandro Jay DC Tafalla, Chief of Police ng naturang istasyon, ang mga suspek na sina alyas “Jayson”, 22, at alyas “Oscar”, 34.

Naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling araw nang magising ang biktimang si alyas Russell sa malakas na tahol ng kanyang aso.

Natuklasan niya ang dalawang indibidwal sa loob ng kanyang bahay na labag sa batas na pumasok at nagnakaw ng isang cellphone at isang silver na relo.

Tinangka ng mga suspek na tumakas, ngunit mabilis na nag-abiso sa mga awtoridad ang mga alertong kapitbahay.

Agarang nadakip ng mga tauhan ng CAA Sub-Station ng Las Piñas City Police Station,  ang dalawang suspek dakong alas-3:20 ng madaling araw.

Nakuha mula kay alyas “Jayson” ang isang kargadong kalibre .38 na baril, habang si alyas Oscar ay may bitbit na hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanyang shoulder bag.

Narekober din sa kanilang pag-aari ang mga gamit na ninakaw.

Mahaharap sa mga reklamo para sa Trespass to Dwelling, Theft, at paglabag sa Republic Act 10591, na kilala rin bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang mga suspek.

Mabilis na nadakip ang mga suspek dahil sa patuloy na pagpapalakas ng presensya ng PNP sa lugar at sa tulong na rin ng malakas na suporta ng komunidad.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles