Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang 18-taong gulang na dalagita sa Cebu matapos ang inilunsad na drug raid ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Talisay City Police Station nito lamang Sabado, Enero 7, 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Randy Caballes, Chief of Police ng Talisay City Police Station, ang suspek na kinilalang si Alyas “Kessha”, residente ng Barangay Ermita, Cebu City.
Nadakip ang suspek pasado alas 10:00 ng gabi sa operasyon na pinangunahan ni Police Lieutenant Elwood Ebona sa Sitio Mananga 2, Brgy. Tabunok, Talisay City, Cebu.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Caballes, matagal ng sinusubaybayan ng grupo ang suspek matapos ilang beses na lumabas ang pangalan nito sa kanilang mga imbestigasyon na kaugnay sa ilegal na droga.
Nakumpiska sa suspek ang shabu na may timbang na 25 gramo at may Standard Drug Price na Php170,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ng Talisay City PNP na patuloy na paiigtingin at pagbubutihin ang bawat hakbang upang wakasan ang problema sa ilegal na droga sa lungsod at pigilan ang anumang uri ng kriminalidad para sa kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng komunidad.