Leyte – Personal na pinuntahan at pinaabot ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office ang pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng Php30,000 kay Ms. Rhea Badilla na residente ng Brgy. Osmeña, MacArthur, Leyte nitong Linggo, Pebrero 5, 2023.
Pinaabot ni Mr. Junel Tomes, Reporter/Social Media Influencer, sa pamamagitan ng kanyang programang Balita Aksyon Solusyon sa opisina ng Leyte PPO ang kasalukuyang kalagayan ni Ms. Rhea na nangangailangan ng karagdagang pinansyal na tulong para sa kanyang operasyon sa kanyang sakit na tinatawag na “Imperforate Anus” na matagal na niyang iniinda mula pa pagkabata na agad namang tinugunan ng ating kapulisan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Edwin Balles, Provincial Director ng Leyte PPO, tinungo ni Police Lieutenant Colonel Rey Cabelin, Chief, PCADU, Police Captain Hazel Vacal, PIO kasama ang MacArthur Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Major Romeo Sudario Jr at si Mr. Junel Tomes ang bahay ni Ms. Rhea upang malaman ang kanyang kalagayan at maibigay ang nasabing pinansyal na ayuda mula sa pagtutulungan ng ating mga kapulisan na hindi nag-atubiling magbigay para maisakatuparan ang kanyang pagpapaopera.
Mangiyak-ngiyak at lubos naman na nagpasalamat si Ms Rhea kasama ang kanyang pamilya sa pinansyal na tulong na ibinahagi sa kanya ng Leyte PPO.
Ang inisyatibo na ito ng mga kapulisan ay kaugnay sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.