Arestado ang isang dalaga matapos makuhanan ng Php3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Dumaguete City PNP sa Purok Bliss, Brgy. Talay, Dumaguete City, Negros Oriental noong Pebrero 2, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Don Richmon Conag, Acting Chief of Police ng Dumaguete City Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Nove”, 21 anyos, nakatala bilang High Value Individual, at residente ng Barangay Sac-sac, Bacong, Negros Oriental.
Isinagawa ang operasyong bandang 7:26 ng gabi na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng walong (8) pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 500 gramo at may Standard Drug Price na Php3,400,000, isang belt bag, at buy-bust money.
Patuloy naman na pinapaigting ng buong hanay ng Dumaguete City Police Station ang kampanya kontra iligal na droga para sa pag-unlad at pagkamit ng isang maayos, ligtas, at mapayapang Bagong Pilipinas.
Source: Dumaguete CPS