Sultan Kudarat (February 12, 2022) – Arestado ang isang (1) curfew violator habang nagpapatrolya ang alert team ng Esperanza Municipal Police Station, alinsunod sa pagpapatupad ng curfew hour sa Barangay Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat noong Pebrero 12, 2022.
Kinilala ang naaresto na si Mark Anthony Kilayco Parcon, 25 taong gulang, binata, estudyante at residente ng Purok Daisy, Barangay Paitan, Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, namataan ng alert team ang suspek na winawasak ang isang stall gamit ang round bar at biglang hinugot ang kanyang sandata mula sa kanyang baywang.
Agad na inaksyunan ng pulisya at nagsagawa ng body search ang Arresting Officer kung saan narekober nila ang isang (1) kaha ng sigarilyo na naglalaman ng isang (1) sachet ng shabu na may timbang na 0.149 gramo na may DDB value na Php1,000.
Mas pinaigting pa ni PCpt Jethro Dave Doligas, OIC, Esperanza Municipal Police Station ang kampanya sa lahat ng uri ng kriminalidad sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic.
Kaya naman, malugod na sinusuportahan ng pulisya ang mga pagsusumikap ng gobyerno na labanan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 kasabay ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas. Dagdag pa, hinihikayat ng pambansang pulisya ang publiko na sundin ang mga protocol para sa kaligtasan ng lahat at iwasan ang mga ilegal na aktibidad.
Source: Esperanza Municipal Police Station – PRO 12
####
Panulat ni Khnerwin Jay A Medelin
Galing talaga ng PNP salamat