Northern Samar – Apat na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko sa First Northern Samar Provincial Mobile Force Company (1st NSPMFC) ang nakatanggap ng agrivet supplies at biik bilang livelihood assistance sa Camp Carlos Delgado, Catarman, Northern Samar nito lamang Biyernes, Abril 29, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan Jr, Force Commander ng 1st NSPMFC, ipinagkaloob ang livelihood assistance sa ilalim ng Local Social Integration Program (LSIP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) – NSFO ng Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar.
Ayon pa kay PLtCol Oloan, katuwang ni Patrolman Jeson Junio ng 1st NSPMFC sa paggawad ng mga livelihood assistance grant ay sina Romeo T. Camarines Jr, DOLE Program Coordinator; Vilma Reyes, Darangpan Admin Finance; Vanessa Salazar, Darangpan Case Manager; Analisa Mission, Darangpan Center Manager.
Bawat dating rebelde ay tumanggap ng 5 biik at 3 sako ng Hog starter pellets na nagkakahalaga ng Php30,000.
Mensahe naman ni PLtCol Oloan, “Sa patuloy na pagsisikap na ito ng gobyerno sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga dating rebelde, ipagpatuloy nating lahat ang ating paglaban sa insurhensya para sa isang mapayapa at sosyo-ekonomikong pag-unlad”.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez