Boluntaryong nagbalik-loob ang isang dating rebelde sa pamunuan ng Nueva Ecija1st Provincial Mobile Force Company nito lamang Huwebes, ika-9 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Paterno L Domondon Jr, Force Commander ng Nueva Ecija 1st PMFC, ang nagbalik-loob na si alyas “Digong”, dating miyembro ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka at Underground Mass Organization o UGMO na nag-ooperate sa naturang probinsya.
Sinisiguro ng Nueva Ecija PNP na patuloy ang kanilang kampanya laban sa insurhensiya at terorismo upang tuluyan ng magbagong buhay ang mga natitirang kasapi ng CPP-NPA-NDF sa ating bansa.
Panulat ni Pat Janice M Bulahao