Nueva Ecija – Binawi ang suporta at nagbalik-loob sa pamahalaan ang 10 tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ni Police Major Bryan Christopher Baybayan, Force Commander ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company, ang paglagda at nanumpa ang mga dating tagasuporta ng CTGs ng Oath of Allegiance to the Government tanda ng kanilang pagtalikod sa komunistang grupo.
Kaagad namang nakatanggap ng grocery packs mula sa gobyerno at inihahanda na ang mga kaukulang papel para sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Patunay lamang na naging epektibo ang mga naturang hakbang ng Nueva Ecija 2nd PMFC sa walang humpay na pakikipaglaban sa insurhensiya at terorismo tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na pamayanan.