Boluntaryong sumuko ang isang tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Barangay Diongan, Siayan, Zamboanga del Norte nito lamang Setyembre 17, 2024.

Kinilala ni Police Colonel Jospeph R Maulad, Force Commander ng 1st Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company, ang sumuko na si alyas “Liting/Rudy”, 49 anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar.
Nabatid na ang sumuko ay naging courier at tagasuporta ng komunistang grupo.
Ang Zamboanga del Norte PNP at pamahalaan ay nagkakaisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan at hinihimok ang natitira pang miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob at magsimulang muli sa piling ng kanilang pamilya.