Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company sa Sitio Gutayan, Barangay Don Perfecto RT Lim, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-7 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Flint S Depnag, Force Commander ng 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company, ang sumuko na si alyas “Esing”, 32 anyos, babae at residente ng Barangay Don Perfecto, RT Lim, Zamboanga Sibugay.
Napag-alaman na ang sumuko ay dating supporter ng CTG Militia ng Bayan sa ilalim ng Guerilla Front Committee SECOM Feliciano “A” at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay nang maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco