Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Diplahan Municipal Police Station sa Purok Golden Shower Sitio Macaon, Barangay Guinoman Diplahan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika- 05 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Maryjoy L Necesario, Officer-In-Charge ng Diplahan MPS, ang sumuko na si alyas “Joan”, 39 anyos, babae at residente ng Barangay Guinoman Diplahan, Zamboanga Sibugay.
Ang sumuko ay dating supporter ng CTG sa ilalim ng Regional Urban Committee (RUC) Western Mindanao Party Regional Committee WMPRC.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco