Boluntaryong nagbalik-loob ang isang CTG supporter sa pamahalaan sa bayan ng Lasam, Cagayan kahapon lamang ng ika-1 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Efren Tangonan, Chief of Police ng Lasam Police Station, ang dating rebelde na si alyas “Ka Dindo”, 32, binata at residente ng bayan ng Lasam, Cagayan.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng pagtutulungan ng Lasam Police Station (Lead Unit) at 3rd Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company kung saan isinuko din ang isang 38 cal. revolver at dalawang rifle grenade.
Ayon kay alyas Dindo, taong 2018 nang dumating ang humigit-kumulang pitong mga CTG na armado ng mahahabang baril sa kanilang tahanan. Nakumbinsi siyang sumapi sa nasabing samahan dahil sa pangakong iaangat ang buhay ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa gobyerno.
Nagsilbi siyang food carrier kung saan nag-ooperate ang kanilang grupo sa bulubunduking bahagi ng Sto. Nino, Lasam, Cagayan at Flora, Apayao.
Nagpasalamat naman si alyas Dindo sa ibinigay na tulong ng Lasam PNP kung saan tinanggap niya ang grocery packs at bigas.
Sa pamamagitan ng mga proyekto at programa ng gobyerno para sa mga Former Rebel (FR) ay pagpapakita ito na dumarami pa ang bilang ng tuluyang nagbabalik-loob sa pamahalaan para sa pagkakaroon ng maunlad at mapayapang pamayanan.
Source: Lasam PNP
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae Javier