Isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang loob na sumuko sa mga awtoridad noong Oktubre 24, 2024, sa Barangay Jurisdiction, Alcala, Cagayan.
Kinilala ni Police Major George C Maribbay, hepe ng PeƱablanca Police Station, ang sumukong indibidwal na si alyas “Ver,” 55 taong gulang, may asawa, at residente ng Alcala, Cagayan.
Ang kanyang pagsuko ay napabilis sa tulong ng CTG Tracker Team na pinamunuan ng PeƱablanca Police Station, kasama ang pinagsanib na puwersa ng 2nd Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, at Cagayan South Regional Intelligence Unit 2.
Ayon kay āVerā, sumama siya sa ilang demonstrasyon noong 2018 matapos siyang mahikayat na sumali sa makakaliwang grupo. Kalaunan, nakilala niya sina Calixto Cabildo at Isabelo Adviento, o mas kilala bilang “Ka Boting,” mga kilalang personalidad sa kilusan.
Simula noon, aktibo siyang sumali sa mga anti-government rally, kabilang ang mga ginanap sa harap ng Cagayan Provincial Capitol, Department of Agriculture Region 2, at iba pang ahensya ng gobyerno ayon sa utos ni Ka Boting. Dumalo rin siya sa mga serye ng pagpupulong at lektura na pinamunuan nina Calixto Cabildo at Ka Boting hanggang 2021.
Matapos ang ilang taong pagsuporta sa kilusan, kusang loob na sumuko si “Ver” sa pamahalaan upang linisin ang kanyang pangalan at magsimula ng mapayapa at normal na pamumuhay.
Ang pagsuko ng bawat CTG supporter ay nagpapakita ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan at kapulisan sa mga teroristang grupo. Patunay rin ito ng epektibong pagsulong ng kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa terorismo.
Source: PeƱablanca Police Station