Kabankalan City – Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa pulisya sa Brgy. Locotan, Kabankalan City, Negros Occidental nito lamang ika-26 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joel C Garcia, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 6, ang sumuko na si Edgar Millares Y Felomino a.k.a. “Ka Edgar”, 58, residente ng Brgy. Locotan, Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon kay PLtCol Joel C Garcia, napag-alaman na si Ka Edgar ay dating miyembro ng Squad 1, Nissan Platoon, Southwest Front Komiteng Rehiyon Negros Cebu-Bohol-Siquijor.
Dagdag pa ni PLtCol Garcia, isinuko rin ni Ka Edgar ang kanyang armas na isang 12GA homemade shotgun na may dalawang bala.
Ang pagsuko ni Ka Edgar ay resulta ng pagtutulungan ng mga tauhan ng RMFB 6, 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 6, Provincial Intelligence Unit-NOCPPO, Kabankalan City Police Station.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na ipapatupad ang programa ng gobyerno para sa mga gustong magbalik-loob sa pamahalaan upang makamit ang minimithing kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran.