Bohol – Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Bohol ang kusang sumuko sa mga miyembro ng 702nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa Sitio Lawis, Catagbacan Norte, Loon, Bohol nito lamang Sabado, Disyembre 17, 2022.
Ayon sa Force Commander ng RMFB 7, Police Colonel Ronan Claravall, kasabay ng pagbabalik-loob ng kinilalang si Alyas “Ikom” sa pamahalaan ay ang pagsuko nito ng dalawang (2) cal. 38 revolver, isang (1) Smith & Wisson, at isa (1) pang revolver na walang serial number at markings.
Ang naganap na pagsuko ay resulta at bahagi ng pinaigting na kampanya ng RMFB 7 laban sa terorismo at insurhensiya sa rehiyon.
Tiniyak naman ng buong lakas ng RMFB 7 na kanila pang pagbubutihin ang lahat ng pagsisikap ng grupo upang tuluyang wakasan ang insurhensiya sa rehiyon at maging sa buong bansa at para sa kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan.