Boluntaryong sumuko ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga otoridad sa Barangay Assumption, Koronadal City, South Cotabato nito lamang ika-19 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Colonel Samuel T Cadungon, Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “Asyong”, 54 anyos, may asawa at residente ng Sitio Ala, Barangay Lamhaku, T’boli, South Cotabato at dating miyembro ng GF 73, ROC, FSMR.

Isinuko din nito ang isang unit ng caliber .38 na revolver.
Nakatanggap naman ng paunang tulong na bigas at cash assistance ang sumuko mula sa pamahalaan.
Ang ating pamahalaan ay patuloy na humihimok sa mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at magbagong buhay kasama ang pamilya.