Nueva Ecija – Boluntaryong nagbalik-loob ang isang dating miyembro ng komunistang teroristang grupo sa mga tauhan ng Nueva Ecija PNP sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-8 ng Setyembre 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob na pinamunuan ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, katuwang ang Nueva Ecija 1st Provincial Mobile Force Company.
Kusang nagbalik-loob si “Ka Buts”, magsasaka, miyembro ng Kilusang Larangan Guirilla Sierra Madre sa ilalim ng Underground Mass Organization (UGMO) ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL).
Ayon sa ulat ng Nueva Ecija PNP, lumapit sa kanilang himpilan ang nasabing rebelde at isinuko nito ang isang mataas na klase ng granada.
Ipinakita nito ang taos-pusong pagbabalik-loob at nangako ito na kanyang tatalikuran ang maling gawain ng mga komunistang teroristang grupo.
Kasabay nito ay nagbigay ng tulong ang Nueva Ecija PNP ng isang sakong bigas at grocery packs at ang patuloy na paghihikayat sa mga natitirang kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang magbalik-loob sa pamahalaan at makasama ang kanilang pamilya.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera