Nagbalik-loob ang isang miyembro na sumusuporta sa rebeldeng grupo sa pamunuan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Major Bryan Christopher L Baybayan, Force Commander ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company.
Napag-alaman na ang naturang CTG member ay miyembro ng Underground Movement Organization – Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka Ella” ay ang pagsuko ng mga kagamitan tulad ng isang pirasong kalibre .38 revolver na walang serial number ( Homemade) na may kasamang isang pirasong bala.
Hinihikayat ng ating mga awtoridad ang mga natitirang kasapi at sumusuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa iisang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo para sa Bagong Pilipinas.
Source: Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Patrolwoman Marimar J Junio