Bulacan – Nagbalik-loob ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company sa City of Malolos, Bulacan nito lamang Martes, ika-8 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang dating rebelde na si alyas “Ka Jay”, 56 anyos at dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.
Kasabay ng pagsuko ni “Ka Jay”, ay isinuko din sa pulisya ang isang cal. 38 revolver, limang bala, at isang rifle grenade upang ipakita ang kanyang tapat na pagbabalik-loob sa mga awtoridad.
Naging possible ang pagbabalik-loob ng naturang CTG dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Bulacan 1st PMFC, PNP Special Action Force at Philippine Army.
Sinisiguro ng Bulacan PNP ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa terorismo at insurhensiya para sa kaligtasan at seguridad ng kanilang nasasakupan.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera