CTG Member na tinaguriang Rank 1 Regional Most Wanted Person, arestado ng PNP sa Masbate

0
179

Naaresto ng kapulisan ang Rank 1 Regional Most Wanted Person at hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawang operasyon sa bayan ng Esperanza, Masbate noong tanghali ng Marso 12, 2026.

Ang naaresto ay kinilalang si alyas “Andrew”, nasa tamang gulang, magsasaka at residente ng Pio V. Corpus, Masbate.

Ang pag-aresto ay isinagawa bandang 12:30 ng tanghali sa Barangay Tawad, Esperanza, Masbate, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder (Art. 248 ng Revised Penal Code) na walang rekomendadong piyansa.

Pinangunahan ng CIDG Masbate Provincial Field Unit ang operasyon, katuwang ang mga operatiba mula sa Esperanza MPS, RIU5-PIT Masbate, Masbate PIU, 2nd PMFC, RPSB Team Tawad at Team Tubog, at Masbate MARPSTA.

Ayon kay PCol Jefferson B Araojo, Provincial Director ng Masbate Police Provincial Office, patunay ang operasyong ito ng patuloy na koordinasyon at determinasyon ng kapulisan at ng mga katuwang na ahensya upang mapanagot sa batas ang mga taong may kinahaharap na mabibigat na kaso at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Masbate.

Source: Masbate PPO / https://www.facebook.com/share/p/1Dkte4oeay/

Leave a Reply