Camarines Norte – Arestado ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group na may kasong Murder sa operasyon ng Paracale PNP noong Abril 14, 2022.
Kinilala ni Police Major Edwin Adora, Hepe ng Paracale Municipal Police Station, ang akusado na si Jonel Junio y Brojan, alyas “Jon”, 27, binata, minero at residente ng Purok 3, Brgy. Gumaus, Paracale, Camarines Norte.
Ayon kay PMaj Adora, dakong 9:30 ng umaga naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng Paracale MPS.
Ayon pa kay PMaj Adora, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder.
Pinuri at hinimok ni Police Colonel Julius Guadamor, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office ang patuloy na pagtugis ng Paracale PNP sa mga CTG na perwisyo sa gobyerno para sa maayos at tahimik na pamayanan.
Source: Paracale Municipal Police Station
###
Panulat ni PCpl Shiear “Kye” Velasuez-Ignacio