Boluntaryong nagbalik-loob ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamunuan ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Canticum, Calbiga, Samar nito lamang Martes, ika-20 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 802nd Maneuver Company ang nagbalik-loob na si alyas “Mariz”, 25 anyos, miyembro ng Bugsok Platoon, Squad 2 SDG (Sentro de Gravedad), South Samar 1, SRC SESAME.
Ang nasabing dahilan ng pagsuko ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng mga tauhan ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang Area Police Command-Visayas, Calbiga Municipal Police Station at 2nd Samar Provincial Mobile Force Company.
Si alyas “Mariz” ay nasa kustodiya ngayon ng 802nd Maneuver Company para sa facilitation at assessment para sa posibleng enrollment nito sa Enhanced-Comprehensive and Local Integration Program ng gobyerno.
Patuloy pa rin na hinihimok ng pamahalaan ang mga natitira pang kasapi ng makakaliwang grupo upang magbalik-loob at buksan ang puso’t isipan dahil maraming buhay ang patunay sa malasakit, pagmamahal, at taos-pusong serbisyo ng gobyerno.
Panulat ni Patrolwoman Cristel Palafox