Hindi na nakapalag ang commanding officer ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng New People’s Army (NPA) na tinaguriang National Most Wanted na mayroong Php4 milyong patong sa ulo at ang tatlong kasamahan nito sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Balangibang, Polangui, Albay nito lamang Marso 19, 2024.
Kinilala ang akusado sa mga alyas na “Cielo” / “Yulo” / “Adel” / “Evan” / “Julian” / “Pitoy” / “Alex” / “Bitoy”, 61 anyos, may asawa, Commanding Officer ng Regional Operational Command, BRPC, Deputy Head National Operational Command NPA, Member Central Committee CPP (PSR listed).
Ang suspek ay itinuturong sangkot o utak sa paglusob sa isang detachment ng pulis sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte noong Marso 19, 2021 na ikinasawi ng 5 pulis matapos ang humigit kumulang 3 oras na palitan ng putok. Ito ay nahaharap sa 5 Warrant of Arrests para sa mga kasong Murder, Direct Assault, Attempted Homicide, Homicide at Multiple Murder.
Kasama sa naaresto ang tatlo pang kasama nito na isang 42-anyos na lalake, may kinakasama, isang driver; isang 42-anyos na babae, may kinakasama, pawang mga residente ng Travesia, Guinobatan, Albay; at isang 25-anyos na babae, walang asawa at residente ng Barangay Hugo, Pasacao, Camarines Sur at isang Commo Staff ng Execom BRPC.
Ang mga suspek ay naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng CIDG Albay PFU (lead unit), Polangui MPS, 1st PMFC at PIU ng Albay PPO, 49th B, 9th ID, PA, RIU5-Albay PIT, RID5, MIG5, at isang Good Samaritan.
Nakuha sa mga suspek ang isang yunit na white Toyota Avanza na may plate no. VFK 563, isang yunit ng M16 rifle na may nakasalpak na short steel magazine na may kasamang mga bala, isang yunit ng cal. 45 pistol na may kasamang magazine at bala at isang fragmentation hand grenade.
Patunay lamang na ang PNP Bikol katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni PCpl Angelli Torrecampo