Cabatuan, Isabela – Nagsagawa ng Community and Service-Oriented Policing System (CSOP) Orientation at MOA Signing ang Cabatuan Police Station sa pamumuno ni PMaj Arturo O Cachero, Chief of Police sa Liga ng mga Barangay-Office, LGU Compound, Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela nitong ika-29 ng Setyembre 2022.
Ang Aktibidad ay dinaluhan ni Hon Bernardo A Garcia Jr., Cabatuan Municipal Mayor, NAPOLCOM Region II sa pangunguna ni Regional Director, Atty. Manuel L Pontanal, MNSA, Isabela Police Provincial Office, NAPOLCOM Provincial Officer-Isabela sa pangunguna ni PINSP III Christopher G Binoya, MLGOO, LCE, LNB President, MAC Member at mga Punong Barangay ng Cabatuan, Isabela.
Unang isinagawa ang CSOP Orientation na itinuro ni Atty Pontanal na kung saan inilahad ang tungkulin ng bawat isa sa pagpapatupad ng batas at kung paano mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.
Samantala, ang MOA Signing naman ay isinagawa ng NAPOLCOM, LCE, PNP, LNB President, MLGOO at MAC Member.
Matinding idiin ni Atty. Pontanal sa kanyang salita na hindi lamang sa papel nakikita ang ugnayan ng kapulisan at LGU kundi sa pagsasagawa nito ng tama, mabilis at maayos na paraan ng serbisyo sa komunidad. Idinagdag din na isinaad ng Alkalde ng Cabatuan, Isabela ang kanilang suporta sa kapulisan sa pagtupad ng tungkulin sa lipunan.
Ang naturang aktibidad ay may layunin na patatagin at paigtingin ang ugnayan ng PNP, NAPOLCOM at LGU sa pagsasagawa ng CSOP at pagpapanatili ng maayos at mapayapang pamayanan hindi lamang sa buong Rehiyon kundi sa buong bansa para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.
Source: Cabatuan PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos