Mt. Province – Bumaba ng 67% ang kabuuang insidente ng krimen sa talaan ng Mountain Province Police Provincial Office na inilahad noong 3rd Quarter Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Poblacion, Bontoc, Mountain Province nito lamang Setyembre 27, 2023.
Ayon sa presentasyon ni Police Colonel Sibly Dawiguey Jr., Provincial Director ng Mountain Province PPO, bumaba ang kabuuang insidente ng krimen sa Mountain Province sa 28 o 67% noong ika-3rd Quarter ng 2023 mula sa 42 sa 2nd Quarter ng 2023.

Kasama sa bumaba sa listahan ng mga kaso ang murder, physical injuries, rape, theft, at carnapping ng motorsiklo.
Bukod pa dito, ang Anti-Criminality efforts ng Mountain Province PNP mula Hulyo 1, 2023, hanggang Setyembre 20, 2023 ay nagresulta sa pagkumpiska ng isang loose firearm habang 30 loose firearms ang narekober at naisuko.
18 personalidad ang inaresto na may warrant sa iba’t ibang kaso habang 4 na indibidwal naman ang inaresto nang walang warrant.

Inilahad din sa Anti-illegal Gambling Operations na 4 na katao ang naaresto sa isinagawang apat na operasyon ng pulisya habang tinatayang Php10,070 ang nakumpiska sa mga naaktuhang nagsusugal.
Nabawi rin ang kabuuang 3,499.106 board feet na may halagang Php108,039.9 sa isinagawang 18 police operations ng anti-illegal logging campaign.

Samantala, 4 na miyembro ng Communist Terrorist Group ang boluntaryong sumuko at nagturn-over ng 4 na baril.
Ipinaalam din ni PCol Dawiguey Jr. ang puspusang paghahanda ng mga tauhan ng Mt. Province PNP para sa maayos at mapayapang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.