Albay – Ibinahagi ng mga tauhan ng Ligao City Police Station ang iba’t ibang Crime Prevention Lectures sa Barangay Balanac, Ligao City, Albay nito lamang ika-13 ng Abril 2023.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng programa ng Department of Interior and Local Government na “Baranggayan sa Bikol” kasama ang Ligao City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ruel Pedro, Officer-In-Charge.
Katuwang din sa aktibidad ang mga personahe ng iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Special Action Force, 1st Albay Provincial Mobile Force Company, Philippine Army, Bureau of Fire Protection, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, Philippine Information Agency, City Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority, Civil Registrar, City Veterinary, City Disaster Risk Reduction Management Office, Community Environment and Natural Resources Office at Albay Public Safety and Emergency Management Office.
Tampok sa aktibidad ang pagbahagi ng mga kapulisan sa mga residente ng nasabing barangay ang mga paksa tungkol sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program, Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (RA 7610), Safe Spaces Act (RA 11313), Anti-terrorism Act (RA 11479), Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at “Buhay Ingatan Droga’y Ayawan” o BIDA Program.
Ang naging hakbang ng Ligao PNP na magbahagi ng kaalaman para maiwasan ang kriminalidad sa komunidad ay nakahanay sa peace and security framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) para sa mas matatag na ugnayan ng komunidad at pulisya.
Source: Ligao City Police Station