Philippine National Police (February 7, 2022)- Bumaba ng halos 25.13 porsyento o katumbas sa mahigit 13,397 na crime incident sa buong bansa kompara sa mga nakaraang buwan. Bumaba rin sa 19.18 porsyento o katumbas naman sa 1, 745 ang mga naitalang insidente na kabilang sa ‘eight focus crimes.’ Samantala nasa 85. 86 porsyento naman ang crime clearance efficiency nito at 58.01 porsyento naman ang crime solution efficiency. Ito ay ayon sa datos ng PNP mula Nobyembre 13, 2021 hanggang Enero 31 taong kasalukuyan na isinumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kabilang sa mga matagumpay na programa na walang tigil na pinapatupad ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos ang Campaign Against Illegal Drugs, Campaign Against Terrorism, Campaign Against Illegal Gambling at ang umiiral na Internal Cleansing Program sa loob mismo ng hanay nito.
Tinatayang nasa kabuuang 12,419 illegal drug personalities ang naneutralisa ng PNP, 12,395 nito ang naaresto, 24 naman ang namatay sa operasyon, umabot naman sa Php959,077,344.72 halaga ng droga ang nakumpiska.
Nasa mahigit 150 CTG Personalities naman ang naaresto ng mga kapulisan, 889 nito ang kusang sumuko samantala narekober naman ang 194 firearms. Sumuko rin ang mahigit 105 members na Local Terrorist Group na kung saan narekober naman ang 62 firearms.
Titus Barona – PNP accomplishment report under the… | Facebook
Umabot naman sa 7, 364 ang kabi- kabilang operasyon na isinagawa ng PNP sa pagsugpo ng pinagbabawal na sugal o Illegal Gambling na nagresulta sa pagka-aresto ng mahigit 22, 653 violators at pagkakumpiska ng mahigit 6.7 million halaga ng pera at iba’t ibang gambling paraphernalia. Samantala nasa mahigit 6,143 na kaso naman ang tagumpay na naisampa.
Umabot naman sa kabuuang 16,495 ang napanagot na wanted persons; 16, 346 nito ang naaresto, 30 ang namatay at 119 ang sumuko. Kabilang na rito ang pagka-aresto ng 18 most wanted persons at dalawa (2) na sumuko alinsunod sa Department of the Interior and Local Government Memorandum Circulars na may pabuya na mahigit Php2.8 million. At ang pagkahuli rin ng CTG personalities sa ilalim ng Department of National Defense at DILG Joint Orders on Reward, anim (6) na personalidad ang naaresto na may total reward na mahigit Php12.3 million.
Tiniyak naman ng PNP ang buong suporta nito sa programa ng NTF- ELCAC na kung saan tagumpay silang nakapag- assist ng mahigit 324 former-rebels para maka-avail sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program and Amnesty (E- CLIP) ng ating pamahalaan. Tuloy-tuloy din ang Information Operations nito sa paglaban sa kahit anumang propaganda ng mga teroristang grupo.
Samantala sa pagpapatupad naman ng ICP, tinatayang nasa 48 PNP personnel ang napatawan ng 60 days suspension at demotion na kasalukuyang sumailalim sa Focused Reformation or Reorientation and Moral Enhancement for Police Officers in Line with Internal Cleansing Efforts (F.O.R.M. P.O.L.I.C.E.) at nasa 297 personnel naman ang nahatulan, 51 ang nadismiss sa serbisyo, 14 ang nademote, 154 ang nasuspende at 78 naman ang nareprimand o narestrict ang kanilang mga sahod at iba pang prebilihiyo.
#####
Saludo sating mga Ka Pulisan na walang sawang nagsisilbi para sa bayan
Mabuhay ang PNP