Laguna – Ipinagdiwang ng NPTI o National Police Training Institute ang kanilang ika-32 na anibersaryo na may temang “Celebrating 32 years of Service and Excellence: Honoring the Past, Empowering the Present, and Securing the Future of Police Service through #SerbisyongNagkakaisa” sa NPTI Gymnasium, Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nito lamang Biyernes, Oktubre 6, 2023.
Ang anibersaryo ay pinangunahan ni Police General Benjamin Acorda Jr, Chief, PNP bilang Guest of Honor na malugod na sinalubong ni Police Major General Ritchie Medardo Posadas, Director ng NPTI, staffs at mga trainees.

Dinaluhan din ito ng iba pang matataas na opisyales ng PNP kabilang ang 18 matitikas na Chief ng Police Training Centers sa Pilipinas, kilalang personalidad sa lipunan at mga awardees.
Nagkaroon ng misa bago sinimulan ang programa at ipinagmamalaking ipinakita ng Director, NPTI kay CPNP ang kanilang mga natatanging aktibidad at tagumpay sa buong taon.

Pinakatampok sa anibersaryo ay ang paggawad ng Plaque at Certificate of Recognition sa Best Training Center of the Year, Best Senior PCO, Best Junior PCO, Best Senior PNCO, Best Junior PNCO, Best NUP (Supervisory Level), Best NUP (Non-Supervisory Level), Best Job Order Personnel (Clerical Level), Best Job Order Personnel (Utility Level), Biggest Loser (1st to 3rd Placer), Benefactors and Stakeholders Awardees at Integrity Development Award sa kanilang kahanga-hangang serbisyo na inilaan sa NPTI.
Bukod dito, ginawaran din si CPNP ng Plaque, Memento at mga tokens bilang pasasalamat at parangal bilang pangunahing pandangal.
Pinuri at pinasalamatan naman ni PGen Acorda Jr ang institusyon sa kanilang mga kontribusyon sa Pambansang Pulisya at walang patid na dedikasyon sa paghubog ng isang matikas, masigasig at matinong Police Non-Commissioned Officers.
Source: National Police Training Institute
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin