Quezon – Pinangunahan ni Police General Rodolfo Azurin Jr., Chief, Philippine National Police ang isinagawang Blessings at Turned-Over ng bagong PNP Mobile Patrol Vehicle sa Candelaria Municipal Police Station sa harap ng Candelaria Municipal Hall, Candelaria, Quezon ganap na 11:00 ng umaga nito lamang Linggo, Enero 15, 2023.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina Police Lieutenant General Rhoderick Armamento, Area Police Command – Southern Luzon; Police Major General Jesus Cambay Jr, Director ng Directorate for Comptrollership; Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A; Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office; Hon. George Suayan, Candelaria Municipal Mayor; at 25 barangay chairman ng mga barangay ng Candelaria, Quezon.
Ayon kay PGen Azurin Jr, ang pagkakaloob ng bagong Toyota Hi-Lux Mobile Patrol ay malaking tulong para sa mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station upang mapalakas ang mobility at operational capabilities ng istasyon sa pagbibigay ng mas mahusay at epektibong serbisyo sa mamamayan, pinaigting na police visibility at mabilis na pagtugon upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Nagpresinta din ang Lokal na Pamahalaan kasama ang civic/private sectors at religious organizations sa kanilang donasyon na lupa para tatayuan ng bagong pasilidad ng PNP.
Samantala, tiniyak naman ni CPNP na sa lalong madaling panahon ay maumpisahan na ang pagpapatayo ng nasabing bagong istasyon ng local na pulisya.
Ang Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni PGen Azurin Jr, ay lubos na nagpapasalamat sa mamamayan sa pagtitiwala, paggabay at pakikiisa sa mga programa ng PNP upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A