Laguna – Ipinagdiwang ng Police Regional Office 4A o PRO CALABARZON ang ika-122nd Police Service Anniversary na may temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan Tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa’’ sa National Police Training Institute Gymnasium, Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna nitong Setyembre 6, 2022.
Malugod na sinalubong ni Police Brigadier General Carlito Gaces, Regional Director ng PRO CALABARZON, command group, staffs at personnel ang Ama ng Pambansang Pulisya na si Police General Benjamin Acorda Jr bilang Guest of Honor and Speaker.
Dumalo din sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng National Police Training Institute, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, National Police Commission 4A, Local Chief Executives/Local Government Units ng CALABARZON Region, Non-Governmental Organizations at iba pang stakeholders.
Nagsimula ang aktibidad sa pagpapakita ng layunin na makapaghandog ng lote sa PNP ang mga LCE at stakeholders.
Tampok din sa anibersaryo ang paggawad ng Plaque at Certificate of Recognition sa mga deserving PNP personnel, Units at stakeholders para sa kanilang huwaran at namumukod-tanging mga nagawa noong 2022.
Pinuri at pinasalamatan naman ni PGen Acorda Jr ang lahat ng dumalo at tauhan ng PRO CALABARZON sa pamumuno ni RD PBGen Gaces sa mga kontribusyon sa Pambansang Pulisya at walang patid na dedikasyon sa sinumpaang tungkuling makapaglingkod sa bayan at mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kaunlaran sa buong rehiyon.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin