Thursday, May 8, 2025

CPNP, ibinida ang PNP sa Bagong Pilipinas; PBBM, nangako ng suporta sa kapulisan

Ipinagmalaki ni Police General Francisco Marbil sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Pambansang Pulisya noong ika-8 ng Agosto ang mga progresong ipinatutupad sa ahensya na nakaangkla sa Bagong Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa kanyang pambungad na bati at talumpati, ibinida ni Heneral Marbil ang mga isinagawang proyekto ng PNP upang mapaigting ang kakayanan ng pulisya sa mga aspetong pag-iimbestiga at “move-shoot-communicate” sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program.

Ayon sa CPNP, nakapagdagdag ang kapulisan ng 2,379 na mga sasakyan, 28,580 na mga baril at 8,189 piraso ng mga kagamitang pangkomunikasyon at pang-imbestiga sa ilalim ng Php53M procurement program.

Bukod sa pagbili ng mga kagamitan, ayon sa heneral, itinatag din ang PNP Cybersecurity Operations Center (CSOC) upang mas mapalawig ang kakayanan ng kapulisan na labanan at sugpuin ang mga krimen sa cyberspace.

“[The CSOC is] a pivotal advance in securing our nation’s modern infrastructure thwarting cyber-attacks, thereby enforces our steadfast commitment to safeguarding the cyber landscape of everyone,” dagdag niya.

Sa usaping pangseguridad sa mga pampublikong lugar lalo na sa kalakhang Maynila, kasalukuyang ipinatutupad ang 85-15 sistema: 85 bahagdan ng kapulisan ang nakakalat sa mga lansangan habang 15 bahagdan lamang ang gumagawa ng mga trabahong administratibo sa mga tanggapan.

Bukod dito, ang mga kapulisan na inilipat mula sa Police Security and Protection Group (PSPG) na nagsisilbing mga “bodyguards” ay inilagay sa National Capital Region upang ibuhos ang “human resources” sa mga lugar na mas nangangailangan ng presensya ng kapulisan.

Nailahad din sa naturang talumpati ang kapansin pansin na 14,666 kabawasan sa bilang ng mga krimen mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Samantala, upang mas sistematikong matugunan ang pangangailangan ng kapulisan, aniya ay nilikha rin ang Online Personnel Records Management System (OPRMS) at PNP Electronic Beneficiaries Assistance and Scholar Program (PNP e-BASA) na mas magpapabilis sa pagproseso ng mga dokumento at benepisyong kinakailangan ng kapulisan at ng kanilang mga kapamilya.

Matapos mailahad ng punong pulis ang mga nakamit ng ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinuri at pinasalamatan ni PBBM ang lahat ng miyembro ng organisasyon sa dedikasyon, sakripisyo, pagsisikap at tunay na serbisyo para mapanatiling ligtas ang bansa sa krimen, terorismo at iba pa.

“Sa Bagong Pilipinas, ang ating mga kapulisan ay maaasahan, malalapitan, at mapagkakatiwalaan. Malakas ang kumpiyansa at matatag ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at sambayanan at lahat ay nagkakaisa sa isang mithiin na isang maunlad na bayan,” sambit ng Pangulo.

Sa kanyang talumpati, hinimok din ng pangulo ang mga miyembro ng pambansang pulisya na suportahan ang CPNP sa kanyang mga programa; nagpahiwatig din ng suporta ang presidente para sa mas ikauunlad ng kakayanan ng kapulisan.

“This administration remains committed to supporting the PNP through the comprehensive capability enhancement program. We will also continue to provide additional logistical resources and advanced information technology tools to further empower our police force,” aniya.

Sa pagtatapos, sinabi ni PBBM na hanggat ang bawat isa ay pinagbibigkis ng layuning protektahan ang mga mamamayan at siguruhing mangingibabaw ang batas, ang lahat ay nasa wastong landas tungo sa isang ligtas at matatag na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles