Palo, Leyte (February 8, 2022) – Bumisita ang Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, PGen Dionardo Carlos at ang kanyang mga kasamahan sa burol ni PLt Kenneth Falag-Ey Tad-Awan sa Immaculate Heart of Mary Chapel, Camp Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nito lamang ika-8 ng Pebrero, 2022.
Binigyan ng wake service ng Police Regional Office 8 si PLt Tad-Awan bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan.
Si PLt Tad-Awan, tubong Bontoc, Mountain Province ay isa sa mga team leader ng 801st Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Glenn Oliver Cinco, Officer-In-Charge.
Nakasagupa ng grupo ang hindi matukoy na bilang ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang nagsasagawa ng humanitarian activity na humantong sa pagpatay kay PLt Tad-Awan sa paligid ng Brgy. Tingnan, Lapinig, Northern Samar noong Pebrero 7, 2022.
“Ang aming taos pusong pakikiramay sa buong pamilya ni PLt Tad-Awan. Ako ay nasa matinding kalungkutan para sa kanyang hindi napapanahong pagkamatay. Ang kabayanihang ito at sukdulang sakripisyo ng ating kasama at isa sa ating magigiting na tao sa paglilingkod ay nagpapakita lamang ng ating katapatan sa ating sinumpaang tungkulin kahit ano pa ang halaga nito,” pahayag ni PGen Carlos.
Samantala, isang “Posthumous Medal” (Medalya ng Kadakilaan) ang ipinagkaloob ni PBGen Bernard M Banac, Regional Director, PRO 8 sa nasawing opisyal dahil sa kanyang kabayanihan at katapangan.
Gayundin, nagpaabot ng tulong pinansyal ang RD Banac sa naulilang pamilya ni PLt Tad-Awan.
####
Panulat ni PMSg Leah Lyn Q Valero
Saludo po kami s kabayanihan.mabuhay ang PNP