Inilunsad ng Davao del Sur Police Provincial Office ang Continuing Legal Education for Police Investigator na pinangunahan ni Police Colonel Joebuena P. Rosillo, Provincial Director, kasama si Atty. Jovito Arquita, Provincial Legal Officer noong ika-14 ng Enero, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing isang mahalagang hakbang upang mapalawak ang kaalaman ng mga kapulisan hinggil sa mga batas na may kinalaman sa kanilang mga tungkulin at sa pagpapahusay ng kasanayan sa imbestigasyon.
Binibigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang legal na proseso, upang maiwasan ang mga posibleng paglabag sa mga karapatang pantao, pati na rin ang hindi tamang pagkilos na maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan o mas malaking problema sa komunidad.
Sa pangkalahatan, ang CLEIPI ay isang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng pulisya sa Davao del Sur, na may layuning gawing mas maayos, makatarungan, at epektibo ang pagpapatupad ng batas, at upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga awtoridad tungo sa maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino